Benchmarking isinagawa sa Tesda Women’s Center at Regional Training Center – National Capital Region
Bumisita si MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center Administrator Insanoray Macapaar sa TWC o TESDA Women’s Center. Kasama si PCMDC Planning Officer Anuar Maute, at iba pang MBHTE-TESD Delegates tulad nina Tawi-tawi PO Provincial Director Maryam Nuruddin, Basilan PTC Administrator Allan J. Pisingan, CCMDC Administrator Al Sultan B. Palanggalan, Tawi-tawi PTC Administrator Elmin H. Arsad, at iba pa.
Layunin ng pagbisitang ito na isagawa ang benchmarking activity patungkol sa best practices ng TWC at RTC-NCR. Ang TWC ay nakatutok sa pagbibigay serbisyo sa mga kababaihan at laging may aparangal na double-star ang mga kwalipikasyong kanilang iniaalok.
Isa sa pinaka-best practices na gustong ma-adapt ni Chief Macapaar para sa PCMDC ay ang kanilang nursery room para sa mga anak ng kanilang mga babaeng Trainees at empleyado, ang separate consumable room, ang magandang pakikitungo ng mga empleyado sa mga kliyente at ang kalinisan sa buong pasilidad.
Patuloy na isinasagawa ni Chief Macapaar ang ganitong aktibidad upang makita ang best practices ng iba’t ibang ahensya na pwedeng makatulong sa pagpapaganda ng serbisyong ibinibigay ng PCMDC sa mga Bangsamoro.
#GanapSaPCMDC #LevelUpSaPCMDC #TESDAAbotLahat #MoralGovernance #OneMBHTE