Nagsagawa ang MBHTE-TESD Provincial Office, Tawi-Tawi ng Islamic Study Circle

Ang Provincial Director, Dr. Maryam S. Nuruddin ay nagbigay aral patungkol sa kahalagahan ng pananampalataya sa Allah, kabilang na dito ang ilan sa kanyang mga nabanggit ay ang huling sampung araw ng Ramadhan. Sinalaysay ni Provincial Director sa kanyang mga staff na dapat mas paramihin ang pag gawa ng “Ibadah” o pananampalataya sa Allah sa loob ng huling sampung araw ng Ramadhan at ibinahagi din nito ang isa sa pinakamahalagang duaa sa buwan ng Ramadhan o laylatul qadr, ang ” Allahumma innaka afuw-un tuhibbul afwa fa’fuanni.” (Oh Allah you love pardoning so pardon me)

Bilang bahagi ng programa, ang lahat ng MBHTE-TESD PO TAWI-TAWI Staff ay naatasang magbigay ng kani-kanilang saloobin at ito ay ibahagi sa bawat isa,hindi naman mapigilan ng bawat isa ang pagluha sa nadarama nilang saya sa pagkatuto ng kaalaman sa Islam.

Sila ay lubos na nagpapasalamat sa Provincial Director, Dr. Maryam S. Nuruddin na may isa silang lider na may busilak na kalooban at walang sawang nagbibigay ng mga magagandang mungkahi at reminders ukol sa relihiyong Islam Alhamdulillah!

#MoralGovernance

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *