𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐄𝐑’𝐒 𝐌𝐄𝐓𝐇𝐎𝐃𝐎𝐋𝐎𝐆𝐘 (𝐓𝐌) 𝐋𝐄𝐕𝐄𝐋 𝐈 𝐒𝐂𝐑𝐄𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐂𝐄𝐒𝐒

Kasulukuyang isinasagawa ang TM Level I Screening Process para sa mga TM applicants sa opisina ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center, ngayong araw, Abril 19, 2023.

Ang nasabing screening process ay pinangungunahan ni MBHTE-TESD PCMDC Administrator Insanoray Macapaar, na isa rin sa mga nag-iinterbyu sa mga aplikante.

Ito ay binubuo ng paper screening sa pangunguna nina PCMDC Scholarship Focal Nashmer Bantuas at PCMDC Registrar Maryam Johainah Macapaar, oral questioning naman sa pangunguna ng mga TM Facilitators na sina Enamor Balindong, Diamel Mognie, Mahid Hadji Salic at iba pa. Meron ding computer-literacy test, na na huling hakbang ng screening process.

Ibinase sa logbook ng PCMDC ang mga aplikante o mga unserved clients, kung saan isa-isa silang tinawagan. Ang mga papalaring papasa sa screening process ay sasailalim sa tatlumpo’t tatlong (33) araw na skills training.

#GanapSaPCMDC #TMLevelIScreeningProcess #TESDAAbotLahat #OneMBHTE #NoBangsamoroLearnersLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *