Isinagawa ang Study Circle para sa mga empleyado ng CCMDC.

Ang mga empleyado ay nagbigay ng kani-kanilang reflection tungkol sa paksang “Lailatul Qadr o The Night of Decree”

Ang Lailatul Qad’r ay mahalaga para sa mga mananampalatayang Islam dahil ito ang gabi ng pagpapala.

Sinuman ang tumalima rito ay pinaniniwalaang gagantimpalaan ng katumbas na higit sa isang libong buwan ang ginawang pagsamba sa panginoong Allah.

Sa gabi ng Lailatul Qad’r ay pinaniniwalaang bumababa ang mga anghel.

Kaya mainam ang taimtim na panalangin sa gabi ng Lailatul Qad’r dahil madalas pinagbibigyan ng Allah Subhanahu Wa Ta’Allah ang mga kahilingan ng taong sumasamba sa kanya.

Ang Study circle ay pinangungunahan ni Ustadz Jehad Bantas.

Ang Study Circle ay isinasagawa alinsunod sa moral governance at upang mapagtibay ang pananampalatayang Islam ng bawat empleyado.

#GanapsaCCMDC #OneMBHTE #MoralGovernance

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *