𝟏𝟏𝟔 𝐧𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐢𝐤𝐭𝐢𝐦𝐚 𝐧𝐠 𝐓𝐲𝐩𝐡𝐨𝐨𝐧 𝐏𝐚𝐞𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞 𝐚𝐭 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐅𝐮𝐧𝐝
Lubos na nasisiyahan ang 116 na trainees na sinalanta ng Bagyong Paeng Brgy. Kusiong Maguindanao matapos makuha ang kanilang training certificate at allowance. Sila ay nakapagtapos sa ibat ibang kwalipikasyon tulad ng Electrical Installation (22), Dressmaking (25), Masonry (22), Carpentry (22), at Cookery (25).
Ibinida din ng mga dressmaking trainees ang kanilang natapos na mga unipormeng para sa mga bata.
Nag-iwan naman ng mensahe si MBHTE TESD Director General Ruby Andong sa mga graduates. Ani niya ” Hindi babaguhin ng Allah ang kundisyon ng mga tao kung sila mismo ay hindi babaguhin ang kanilang sarili. Ang kaalaman at allowance na kanilang natanggap ay isa lamang sa mga paraan upang mabago nila ang kanilang buhay. “
Isinagawa ang mga pagsasanay sa ibat ibang technical vocational institutions tulad ng Ittihadun-Nisa’ Foundation, Inc., Illana Bay Integrated Computer College Inc., Farasan Institute of Technology Inc., at Foureych TechVoc.
Dumalo din sa programa ang Provincial Director ng TESD Maguindanao Provincial Office na si Salehk Mangelen at Cotabato City District Office OIC Administrator Kalimpo Alim at mga staff nito.