𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟑 𝐁𝐚𝐧𝐠𝐬𝐚𝐦𝐨𝐫𝐨 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚m
Matagumpay na nasimulan ang Training Induction Program sa pangalawang pagkakataon ngayong taon sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program – Tulong ng Tekbok para sa pag-angat ng Bangsamoro. BSP-TTPB noong ika – 124 ng Abril, 2023 sa may Computer Graphics Learning Center- Sulu, Duhol Bato, Maubuh, Patikul Sulu.
Dalawangput limang trainess ang lumahok sa nasabing programa na nakatakdang magsanay ng Computer Systems Servicing NC II . Maliban sa libring training ng nanbanggit na kwalipikasyon nakatakda din sumailalim sa Values transformation Training na pangungunahan naman ng kaagapay ng MBHTE-TESD ang Bangsamoro Development Agency o BDA sa sasailalim din ang mga ito sa mandatory assessment pagkatapos ng pagsasanay sa napiling kwalipikasyon.
Ang mga napiling magsasanay sa nasabing kwalipikasyon ay dumaan sa masusing pagsasala na pinangunahan ng Provincial Office ng MHBTE-TESD Sulu. Dahil sa kadahilanang maraming mga gustong makatanggap ng nabanggit na kwalipikasyon para matiyak na mas mabibigyan ng oppurtunidad ang mas nangangailangan.
Pinangunahan ng Provincial head ng MBHTE-TESD Sulu provincial Office and nasabing programa kasama ang mga personnel ng nabanggit na Training Institution.
Natakda na ang sunod sunod na Training Induction Program sa Provinsya matapos makipagpulong sa Pamunuan ng Ahensya at maipamahagi ang bagong Mga Alituntunin sa Pagpapatupad o Implementing Guideline ng BSP ngayon taon.