𝟒𝟓 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬 𝐬𝐮𝐦𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐓𝐈𝐏 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐒𝐏𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐓𝐓𝐏𝐁

Upang mas magkaroon ng kaalaman at mas maintindihan pa ng mga Trainees ang kanilang mga responsibilidad ay isinagawa sa Brgy. Semba, D.O.S., Maguindanao noong April 28, 2023 ang Training Induction Program.

Ang nakalaan na pagsasanay ay kabilang sa programa ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro para sa 45 Trainees. Ang mga Trainees ay magsasanay ng Driving NC II (25 slots) at Bread and Pastry Production NC II (20 slots) sa Technical Vocational Institute ng Foureych Technical Vocational and Learning Center, Inc.

Ilan sa mga benepisyong makukuha ng mga magsasanay ay libreng skills training, libreng assessment, values transformation training, at training support fund allowance. Nagpahayag naman ng pasasalamat at kahandaan ang mga nabigyan ng pagkakataong makapagsanay ng libre.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *