Courtesy visit ang Provincial Director ng Tawi-Tawi para sa signing ng Memorandum of Agreement (MOA)
Unang araw ng Mayo, 2023 ay nagkaroon ng courtesy visit ang Provincial Director ng Tawi-Tawi, Dr. Maryam S. Nuruddin sa Languyan, Tawi-Tawi para sa signing ng Memorandum of Agreement (MOA), at naglaan ng panahon upang tingnan ang ilang mga proyektong nasimulan ng pamahalaan ng Languyan Tawi-Tawi, na pinamumunuan ng mahal na Mayor Hon. Abduhasan Ismail I. Sali Al-Haj.
Inilarawan ng Spokesperson ang mga proyektong ito gaya ng pagtatayo ng fish pond, zip line, solar lights, at ang pagtataguyod ng Offshore Inland Food Security sa pamamagitan ng pagkakaroon ng rice production, vegetables production, agriculture na kung saan ang Languyan Tawi-Tawi ay maging sentro ng Food Production ng mga isla na sinasakupan nito, kasama nito ang food basket, food hub at eco tourism. Ang nasabing proyekto ay ipigtibay at may hangarin na epektibong resulta para sa mga mamamayan ng Tawi-Tawi.
Iminungkahi naman ng Hon. Abduhasan Ismail I. Sali Al-Haj ang mahahalagang hangarin para sa mga mamamayan ng Tawi-Tawi, katuwang naman sa proyektong ito ang MBHTE-TESD PO TAWI-TAWI na pinangungunahan ng Provincial Director, Dr. Maryam S. Nuruddin. Nagpapasalamat ang MBHTE-TESD TAWI-TAWI sa matagumpay ng signing ng Memorandum of Agreement (MOA).