𝐏𝐨𝐫𝐦𝐚𝐥 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐧𝐮𝐦𝐩𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐢𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞

Cotabato City – The members of the first-ever Regional Technical Education Skills Development Committee (RTESDC) in BARMM took their oath at Em Manor Hotel, Cotabato City this May 3, 2023

Kay Minister Mohagher M. Iqbal ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education nanumpa ang mga miyembro ng Regional TESD Committee mula sa iba’t ibang pribadong sektor at ministries sa BARMM bilang simbolo ng kanilang buong pangako at suporta sa mga layunin ng Committee. Ang RTESD Committee ay magsisilbing isang policy recommending body para palakasin ang public-private sector partnership at tiyakin ang mas mabuting pagpapatupad ng technical vocational education and training (TVET) program para sa mga taong Bangsamoro.

Ayon kay Minister Iqbal sa pamamagitan ng pagtatatag ng unang Regional Technical Education and Skills Development Committee (RTESDC) sa BARMM, ang Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) ay umaasa na mapataas ang halaga at pamantayan ng Technical Vocational Education and Training (TVET) sa Bangsamoro. Bukod pa rito, ang Oath Taking ay isang simbolo ng pagpayag ng committee na makisali sa bawat anggulo at harapin ang ilan sa mga mas mahihirap na hamon na kinakaharap ng Technical Vocational Education and Training, lalo na ang hindi pagkakatugma ng mga kasanayan o skills mismatch.

Binigyang-diin din ng Chairperson ng RTESDC na si Atty. Ronald Halid Torres ang kahalagahan ng pagtutulungan upang mapaunlad ang teknikal na edukasyon at kasanayan sa ating rehiyon. Hinikayat din niya na sa pamamagitan ng pagtutulungan, makakabuo tayo ng mas progresibo, inklusibo, at maunlad na rehiyon na handang harapin ang mga hamon ng pambansang ekonomiya at negosyo. Aniya, sa committee na ito no one will be left behind.

Matatandaang nagkaroon ng unang pagpupulong ang Komite noong Pebrero 2023 kung saan nagsimulang mag-stratehiya at maglatag ng mga plano ang mga miyembro para sa mas magandang partnership ng iba’t ibang sektor na kasangkot. Bukod pa rito, inaasahang aktibong isusulong ng nabanggit na Committee ang paglahok ng industry sector bilang direktang benepisyaryo ng skilled workforce.

Ang mga miyembro ng Committee na nanumpa ay ang mga sumusunod: Atty. Ronald Hallid D. Torres, Chairperson ng BARMM Business Council; Dr. Bonifacio E. Valdez, President ng Mindanao TVET Association; Bagiyan M. Angeles, President ng Al-mani Farmers Marketing Cooperative; Suaib P. Hussain, President ng Bangsamoro Exit Overseas Workers Association.

Nanumpa rin ang mga miyembro ng Committee mula sa government sector na pinangunahan nina Director General Ruby A. Andong ng Technical Education; Director General Abdullah P. Salik, Jr. ng Basic Education; Director General Marjuni M. Maddi ng Higher Education; Director General Tahir G. Nalg ng Madaris Education; Director General Khalid S. Dumagay ng Ministry of Interior and Local Government (duly represented); Director Sarah Jane S. Sinsuat ng Ministry of Labor and Employment, at Head of Science and Technology Services Monawara M. Abdulbadie ng Ministry of Science and Technology.

Bagamat hindi naka dalo sa oath-taking dahil sa prior engagements, kasama rin sa miyembro ng RTESDC sina Rosslaini J. Alonto-Sinarimbo, Director General ng Ministry of Trade, Investments and Tourism; Tong A. Abas, Director ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform, Sambas I. Hassan, President ng Mahardika Institute of Technology, at Michael A. Kida ng Industry Sector.

#nobangsamorolearnerleftbehind #onembhte

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *