𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜 𝐃𝐫𝐞𝐬𝐬𝐦𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 (𝐂𝐎𝐂) 𝐁𝐞𝐧𝐞𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐧𝐨𝐨𝐧, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐃𝐫𝐞𝐬𝐬𝐦𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐍𝐂 𝐈𝐈 𝐇𝐨𝐥𝐝𝐞𝐫𝐬
Dalawampu’t limang (25) kababaihan na mga benepisyaryo ng Basic Dressmaking noon, isinailalim sa TIP, sa tanggapan ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center, hapon ng May 9, 2023.
Idinetalye ni PCMDC Scholarship Focal Nashmer A. Bantuas ang papel ng mga scholars, allowance o TSF, mandatory assessment, panuntunan at alituntunin, at iba pa.
Matatandaang Nobyembre hanggang Disyembre ng taong 2022, nang makiisa ang PCMDC sa selebrasyon ng ’18-Day Campaign to End Violence Against Women. United for a VAW-Free Bangsamoro’. At isa sila sa mga special clients na binigyan ng free skills training ngunit COC lamang, at sila ngayon ang isinailalim sa TIP.
Lubos namang nagpapasalamat ang mga scholars sa pagkakataong mapabilang sa scholarship, at magiging NC II holders na rin sila.
#GanapSaPCMDC #TIP #TESDAAbotLahat #OneMBHTE #NoBangsamoroLearnersLeftBehind