๐๐ฅ๐จ๐ฌ๐ข๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐ฌ๐ ๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ง๐ ๐ ๐จ๐จ๐ ๐๐๐๐ฎ๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐จ๐ง๐ฏ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐ฎ๐ข๐ง๐๐ง๐ญ๐, ๐๐ฅ๐๐๐ซ๐ค๐ ๐๐ฎ๐ง๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ, ๐๐๐ฌ๐ข๐ฅ๐๐ง.
Ang MBHTE-TESD Basilan ay dumalo sa pagtatapos ng mga magsasanay ng Barangay Guinanta, Albarka Municipality, Basilan Province sa ilalim ng Food Security Convergence Program katuwang ang MAFAR Basilan na may layong mapanatili ang produksyon ng pagkain sa lalawigan.
Nagtapos ang 25 trainees ng Basilan Skills Development Academy, Inc. sa kwalipikasyong Agricultural Crops Production NC I na kung saan sila ay tumanggap ng kanilang Training Certificate at Training Support Fund nito lamang Mayo 18, 2023.
Naging matagumpay ang programa sa pamumuno ni Provincial Director Muida S. Hataman na kinatawan ni Supervising TESD Specialist Yasher R. Hayudini katuwang si School President Hja. Isniraiyam D. Escandar ng Basilan Skills Development Academy, Inc., Madrasah President Ust. Abuhanifa Bantas at Ust. Sulayman Palinta ng Mahad Sharโe Al Islamiyyati at Mr. Mohammad Hotong na siyang IPMR ng Albarka. Ito ay naisakatuparan sa tulong na rin ng kanilang mga tauhan kaakibat ang TESD Basilan.