Fire Safety Lectures and Drill
Matagumpay na isinagawa ng Cotabato City Manpower Development Center at sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Cotabato City Fire Station ang Fire Safety Lectures & Drill, nitong araw lang, Ika- Anim na araw ng Hunyo ngayong taon.
Pinangungunahan ito nila SFO1 Abdulgafor Mokamad, SFO3 Bainani Dacanay at FO1 Ritchel Banac ang pagsagawa ng Fire Safety Lecture & Drill.
Nagsimula ang aktibidad sa lecture tungkol sa mga sakuna tulad ng sunog at ang mga dahilan at epekto nito. Sinundan ito ng pagpapakita ng tamang paraan ng paggamit ng Fire Extinguisher sa panahon ng sunog, kasunod nito ay Fire Drill.
Ayon kay SFO1 Abdulgafor Mokamad na isa sa mga tagapagturo sinabi niya na napakalaking tulong ang fire Drill sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga participants tungkol sa mga emergency situations. Dagdag pa niya,kung sakaling magkaroon ng sunog ay mas handa na ang mga tauhan upang tugunan ito, malaking bagay din ang pagsasanay upang maibsan ang takot at kaba sa panahon ng sakuna.
Ang aktibidad na ito ay isa sa mga hakbang ng CCMDC upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng ating komunidad na maaaring magamit sa loob at labas ng opisina.
Nagsilbing paalala rin ito sa mga empleyado na maging handa sa anumang kalamidad na maaaring dumating.