𝐓𝐈𝐏 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝟐𝟓 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐁𝐒𝐏𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐓𝐓𝐏𝐁

Isinagawa ang Training Induction Program para sa 25 Trainees sa TVI ng Buluan Technical School of Life na ginanap sa Mangudadatu, Maguindanao noong June 6, 2023.

Ang mga magsasanay ay dadaan sa training para sa kwalipikasyon tulad ng Bread and Pastry Production NC II (25 slots), sa ilalim ng BSPTVET-TTPB o o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro. Ang mga magsasanay ay magkakaroon din ng tatlong-araw na Values Transformation Training (VTT), at training support fund o allowance.

Ang naganap na Training Induction Program ay naglalayong ipaalam sa mga Trainees ang kahalagahan ng programa at ang kanilang magiging responsibilidad sa magaganap na pagsasanay.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *