𝐕𝐚𝐥𝐮𝐞𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠

Matagumpay na naisagawa ng Bangsamoro Development Agency (BDA) ang VTT para sa limampung iskolar ng Tile Setting at Bread and Pastry Production, na ginanap noong Hunyo 17-19, 2023, sa Brgy. Sundiga Bayabao, Ditsaan Ramain, Lanao del Sur.

Ang VTT ay tatlong araw na kurso sa personality development at self change na ginagabayan ng mga turong batay sa pananampalataya.

Matatandaang May 3, 2023 nang isagawa ang TIP para sa mga nasabing iskolar, na bahagi ng 14th PCMDC Anniversary. Ang skills training na ito ay isinagawa sa Munisipalidad ng Ditsaan Ramain na isa sa mga initiatives ni MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center Administrator Insanoray Macapaar at bilang tugon sa sulat ni Ditsaan Ramain Councilor Otowa Hadji Ali na nagpepetisyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Ditsaan Ramain na magkaroon ng libreng skills training.

Ang MBHTE-TESD PCMDC ay nagpapasalamat sa walang hanggang suporta ng BDA sa pagpapatupad ng VTT para sa mga iskolar ng TESD.

#GanapSaPCMDC#VTT#TESDAAbotLahat#OneMBHTE#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *