Road Safety Forum matagumpay na isinagawa sa Regional Manpower Development Center.

Inisyatiba ng RMDC Administrator na si Dir. Jonaib M. Usman, Ed.D. ang pagkakaroon ng Road Safety forum na ito at kasali na din ang mga trainees sa iba’t ibang kwalipikasyon na CSS NC II, Housekeeping NC II, Driving NC II, SMAW NC II at TM1, upang maturuan sila kung paano kumilos habang nagmamaneho o tumatawid sa mga kalsada.

Inimbitahan ng RMDC si Atty. Lyzzaik L. Laguialam, Chief Transport Regulation Officer ng BLTO-BARMM upang maging Resource Speaker ng nasabing forum. Ang paksa nito ay tungkol sa kaligtasan sa kalsada at isang pinagsamang responsibilidad.

Ang kamalayan sa kung paano makakatulong ang bawat isa sa pagpapanatiling ligtas sa mga kalsada ay isang mahalagang elemento ng kaligtasan sa kalsada. Ang responsibilidad sa pagtuturo ay dapat magsimula sa mga batang gumagamit ng kalsada at magpatuloy sa maraming yugto ng pag-aaral. Ang mga matagal nang gumagamit ng kalsada ay dapat na mas magkaroon ng kamalayan sa mga batas na namamahala sa kaligtasan sa kalsada at maging responsable sa pagsunod dito.

#RMDC#NoBangsamoroLearnersLeftBehind#roadsafetyforum

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *