MID-YEAR PERFORMANCE ASSESSMENT Cum Destressing and Values Formation Training/ Study Circle (GAD Program).matagumpay na isinagawa ng Cotabato City Manpower Development Center.

Isinagawa ang Mid-Year Performance Assessment noong July 6-8, 2023 sa La Vidad Forest House, Sitio Kibulawan, Kalugmanan Manolo Fortich Bukidnon upang talakayin ang mga dapat na gawin o gagawin pa upang mas mapabuti pa ang serbisyo ng opisina.

Pinangunahan ng Center Administrator na si Alsultan B. Palanggalan ang nasabing talakayan, katuwang ang iba’t ibang focal upang matukoy ang mga kinakailangang matapos na gawain sa opisina. Nagpahayag naman ng kooperasyon ang bawat miyembro ng opisina upang masigurong matatapos ang mga gawain.

Kabilang dito ay isinagawa rin ang Islamic Study Circle para sa mga empleyado ng CCMDC ito ay pinangungunahan ni Ustadz Jehad Banta, at ang mga empleyado ay nagbigay ng kani-kanilang reflection tungkol sa paksang “Gender Equality/Equity in Islam, Enhancing the Role of Women: Values Formation in the Workplace, Women in Islam based on the Role and Rights, to situate women in Islam.”

Patuloy na ginagawa ng CCMDC ang lahat ng kanilang makakaya upang masigurong kalidad na serbisyo ang maibabahagi sa bawat mamamayan.

#GanapsaCCMDC

#OneMbhte

#MidYearPerformanceAssessment

#MoralGovernance

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *