Ang MBHTE-TESD LDS Provincial Office ay nagsagawa ng 4th Quarter Technical-Vocational Education and Training Forum (TVET Forum)

Ang MBHTE-TESD LDS Provincial Office ay nagsagawa ng 4th Quarter Technical-Vocational Education and Training Forum (TVET Forum) na dinaluhan ng limampo (50) Technical Vocational Institutions sa iba’t ibang bahagi ng probinsya na may temang “Bridging the gaps for a 2023 Quality Assured Bangsamoro TVET.

Naging matagumpay ang forum sa pangunguna ni Provincial Director Asnawi L. Bato kasama ang mga empleyado ng ahensya at ng mga TVIs mula sa Lanao del Sur.

Isinagawa ang nasabing programa kahapon ng ika-19 ng Disyembre 2022 sa Abrar Institute of Science Inc., Patani, Marawi City na kung saan ang mga dumalo ay nagkaroon ng pagkakataon na magtanong at malinawan sa rules and guidelines ng ahensya na nakakatulong upang mas lalong maging maganda ang serbisyo.

#tesdlds #NoBangsamoroLeftBehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *