Ang mga empleyado ng Cotabato City Manpower Development Center ay nagsagawa ng Zumba Activity
Ang mga empleyado ng Cotabato City Manpower Development Center ay nagsagawa ng Zumba Activity ngayong hapon ng Biyernes, ito ay para sa health and wellness program and to promote employees work-life balance.
Isinasagawa ang ganitong aktibidad upang unahin ang kalusugan at kagalingan ng mga empleyado sa pamamagitan ng regular na aktibidad ng pag Zumba upang sila ay maging mas malusog at mas produktibo.
Ang layunin ng Zumba ay nakakatulong sa pangangatawan at pag-iisip ng isang tao, Isa din sa layunin nito ay para maitaas ang kompiyansa sa sarili.
Ang activity ay pinangungunahan ni Sir Dods Nacman na isang trainor ng Zumba sa Cotabato City.