Ang opisina ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center ay nagsagawa ng Training Induction Program para sa mga biktima ng kalamidad, senior citizens, at Indigenous People

Isasailalim sa limang araw na skills training patungkol sa Pastry Making ang mga biktima ng kalamidad, senior citizens, at Indigenous People o IP. Sila ay isa sa mga special clients ng TESDA Central Office, at ang pagbibigay serbisyo at kalidad na skills training para sa kanila ay isa sa mga pangunahing programa ng ahensya.

Ginanap ang TIP sa Munisipyo ng Bubong, Lanao del Sur, noong December 13, 2022, sa pangunguna nina PCMDC Scholarship Focal Nashmer A. Bantuas at Events Management Focal Alnisah A. Abdulatip.

#GanapSaPCMDC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *