Apat na araw na Training of Trainers o TOT na may temang ‘Master Trainers’ Training of Trainers on Work Readiness Modules on 21st Century Skills’, matagumpay na isinagawa.
Ang opisina ng MBHTE-TESD Provincial City Manpower Development katuwang ang United States Agency for International Development (USAID) Opportunity 2.0 Program at Education Development Center (EDC) ay nagsagawa ng Provincial Multiplier, na ginanap sa PCMDC, Agosto 23-26, 2022.
Layunin ng TOT na ito na maging bihasa pa ang ating mga trainers ng TESDA sa pagtuturo lalo na sa makabagong teknoloheya. At upang bigyan ng ikalawang pagkakataon ang ating mga out-of-school youth na matuto ng iba’t ibang skills na itinuturo sa TESDA.
Pinangunahan ni Master Trainer Mahid B. Hadji Salic ang nasabing TOT.
Nagpahayag naman ng suporta at pagbati si MBHTE-TESD PCMDC Administrator Insanoray Amerol-Macapaar, para sa mga bagong Master Trainers ng Lanao del Sur.