Apat na araw sumali at lumahok ang opisina ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center bilang paggunita sa selebrasyon ng 63rd Araw ng Lanao
Lumahok ang opisina ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center sa apat na araw na selebrasyon ng 63rd Araw ng Lanao Pakaradyaan ko Sarimanok, mula July 11 hanggang 14.
Ang tema ngayong taon ay “Government Service Display/Exhibit – Bringing Public Service Nearest to the People of Lanao”. Ipinamalas at ibinahagi ng mga trainers ng PCMDC ang kanilang skills sa ibat ibang kwalipikasyon tulad ng Bread and Pastry Demo, Dressmaking Lecture, Tile Setting (Tips for Modern Installation) at Carpentry Lecture.
Maraming TVI at government agencies din ang nakilahok at sumali upang magbigay ng libreng serbisyo. Ang opisina ng MBHTE-TESD PCMDC ay patuloy na sumusuporta sa mga programa ng Provincial Government ng Lanao Del Sur upang lalo pang mapalawak ang kalidad na serbisyong kaya nitong ibigay para sa mga Bangsamoro.