BARMM MBHTE-TESD Nakiisa sa selebrasyon ng 27th Anniversary ng TESDA
Kasabay ng pagdiriwang ng 27th anniversary ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagtakda sa August 25 bilang National Techvoc Day.
Dito sa Barmm, naglunsad ng programa ang Technical education and skills development authority(tesda) at tinalakay ang kahalagahan ng Technical Vocational Education and Training (TVET) sa Bangsamoro Region.
Ayon sa Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE-BARMM), bilang pagpapalawig sa technical education nagpapatuloy pa rin ang kanilang scholarship program para sa TVET. Kaya naman, magpapatayo sila ng karagdagang training centers sa Maguindanao at Tawi-Tawi.
Ayon sa huling ulat, umabot na sa 9,302 ang enrollees nito sa rehiyon at 7496 na rito ang nakapagtapos.
Sa ngayon, tinutulungan ng mga kawani ng Technical Education and Skills Development (TESD) sa ilalim na nasabing ahensiya, ang mga nais mag-enroll sa National tvet enrollment day at world cafe of opportunities, mga virtual na registration center, kung saan maaring mag enroll ang mga nais maging TESDA scholar at makahanap ng trabaho ang mga TESDA graduates.
Ibinatay ng MBHTE TESD ang kanilang pagsisikap sa direktiba ng RA 10970 o National TechVoc Day na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Naglalayon itong paigtingin ang technical vocational education and training (TVET) sa bansa sa pamamagitan ng pagbubukas at pagbibigay ng access para sa mga technical skills training.(R.H)