Benchmarking isinagawa ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center sa COBSAT (Cagayan de Oro Bugo School of Arts and Trades)
Bumisita ang mga empleyado ng PCMDC sa pangunguna ni Center Chief Insanoray Macapaar sa tanggapan ng COBSAT na matatagpuan sa Cagayan de Oro City, noong November 22, 2022.
Layunin ng pagbisitang ito na isagawa ang benchmarking activity patungkol sa best practices ng isa sa TESDA Administered Schools (TAS) ng bansa. Sa COBSAT napili ng PCMDC na isagawa ang benchmarking dahil napanatili ng TAS na ito ang nakasaad sa kanilang mission at vision bilang sentro ng kahusayan at kagalingan sa larangan ng Tec-Voc Education sa mga nagdaang taon.
Kinilala ng TESDA bilang Center of Excellence in Automotive Technology ang COBSAT, taong 2001. Ginawaran din ng TVET Quality System award giving bodies ang COBSAT ng Bronze Level Award taong 2003. Taong 2009 naman ng gawaran ng Asia Pacific Accreditation and Certification Commission ng Bronze Category Accreditation ang COBSAT.