Bilang pagtugon sa Memorandum No.443

Bilang pagtugon sa Memorandum #443, ang mga kawani ng PTC – Basilan ay sumailalim sa isang orientation seminar ukol sa Philippine National Public Key Infrastructure (PNPKI) at Data Privacy and Cybersecurity Awareness Campaign.

Sa pangunguna ng Department of Information Communication Technology Region 9 – BASULTA representative na si Michael M. Jolo, kaniyang ibinahagi ang kahalagahan ng Data Privacy at mga negatibong epekto ng pagkawala nito.

Kasunod nito ay ang pagpapakilala ng kanilang pinakabagong proyektong Philippine National Public Key Infrastructure o PNPKI na naglalayong mas mapanatining protektado ang personal na impormasyon o data ng bawat Pilipino kasama na ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

#nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat #PTC-Basilan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *