CCDO aktibong tumutulong para sa Regional Skills Competition
Aktibong tumutulong ang Cotabato City District Office at Technical Vocational Institutes nito para sa nalalapit na Regional Skills Competition. Ito ay gaganapin sa RMDC (Regional Manpower Development Center), Rebuken, Sultan Kudarat, Maguindanao ngayong darating na Agosto 22-24, 2022.
Sa katunayan, manggagaling sa CCDO TVI ang buong pasilidad at mga kagamitang kakailanganin para sa kumpetisyon ng Cookery at Bakery. Ito ay ang paaralan ng Academia De Tecnologia, Cotabato City.
Pinangunahan ni CCDO District Head Kalimpo M. Alim ang pagsusuri ng lokasyon/lugar kung saan isasagawa ang kumpetisyon para sa Cookery and Bakery. Kasama rin sa mga sumuri at bumisita sina Skills Competition Focal Saracen Jaafar, Vocational Instruction Supervisor Alimodin Kasan, RMDC Center Admin, Dir. Jonaib Usman, at CCDMC Chief Admin, Al Sultan Palanggalan at ilang mga Experts. Ang pagsusuring ito ay isa sa mga hakbang upang siguruhing sapat, tama, maayos at malinis ang lugar at mga kagamitang gagamitin ng mga kalahok sa kumpetisyon.
Sa ngayon ay hindi pa kasali sa kumpetisyon ang CCDO TVI’s ngunit naniniwala ang mga ito na ang kanilang pakikiisa na ito sa darating na Regional Skills Competition ay isa na ring paghahanda at paraan upang magkaroon sila ng tamang kaalaman at ideya sa proseso at sistema nito.
#GanapSaCCDO #MBHTETESD #RegionalSkillsCompetition2022 #NoOneLeftBehind #TESDabotLahat