CCMDC at ang kanyang kawani ay lumahok sa isinagawang Year-End Performance Assessment (YEPA)

Pinangungunahan ito ni Bangsamoro Director General Madam Ruby Andong at dinaluhan ng opisina ng TESD mula sa iba’t ibang probinsiya ng Bangsamoro.

Tinalakay sa YEPA ang Office Performance Commitment and Review (OPCR) at Financial Plan para sa budget na kakailanganin para sa mga aktibidad ng bawat operating units ng TESD. Isa itong hakbang para mas mapaghandaan pa ang mga magaganap na iba’t ibang aktibidad ngayong taon.

Layunin din ng YEPA na masuri at maisagawa ang kalidad ng serbisyong hatid ng bawat opisina.

Patuloy din ginagawa ng CCMDC ang lahat ng kanilang makakaya upang masigurong kalidad na serbisyo ang mababahagi sa bawat mamamayan.

#MbhteCCMDC #TesdMoralGovernance #NoBangsamoroLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *