Closing Ceremony at Distribution of TSF isinagawa sa Basilan
45 Decommissioned Combatants at kanilang mga benepisyaryo matagumpay na nagtapos at nakatanggap ng kanilang Training Support Funds sa tulong ng MBHTE-TESD Basilan Provincial Office.
Sila ay nagsanay sa ilalim ng 35-day Special Training for Employment Program (STEP) 2021 sa kwalipikasyong Dressmaking NC II at Cookery NC II.
Ayon kay Atty. Laisa M. Alamia na siyang GPH Chair of Task Force for Decommissioned Combatants and Their Communities (TFDCC) mayroon pang 200 ang inaasahang magsasanay sa parehong skills training.
Ang programang ito ay makatutulong sa paghahanap ng trabaho at kabuhayan para sa ating mga trainees at para na rin sa kanilang mga pamilya. Ito ay dinaluhan ng mga pangunahing panauhin sa pangunguna ni Provincial Director Muida S. Hataman.
Oktubre 18, 2022 nang isinagawa ang seremonya sa Function Room, MBHTE-TESD Bldg, BGC, Sta. Clara, Lamitan City, Basilan. Ang tagumpay ng isang Bangsamoro ay tagumpay ng bawat Pilipino.
#TESDAAbotlahat #NoBangsamoroLeftBehind #GanapsaTESDBasilan #tesdbasilanpo