Closing program at releasing of training support fund isinagawa sa Basilan.
123 trainees ng Basilan Skills Development Academy ang nakapagtapos sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program para sa TVET (BSPTVET) at Special Training for Employment Program (STEP) sa pangangasiwa ng MBHTE-TESD nitong September 27, 2022 sa MBHTE-TESD Bldg, BGC, Sta Clara, Lamitan City.
Sila ay nakapagtapos sa kwalipikasyong: Agricultural Crops Production NC I, Bread and Pastry Production NC II, Support Holticultural Crops Work (Leading to Agricultural Crops NC I) at Bread Making (Leading to Bread and Pastry Production NC II).
Malugod na tinanggap ng mga nagtapos ang kanilang certificates at training support fund na makatutulong para sa pagsisimula ng maliit na puhunan. Ipinakita rin sa pamamagitan ng video presentation ang kanilang ginawang pagsasanay.
Kabilang sa mga dumalo ay ang OIC-Chief Agriculture ng MAFAR na si Gng. Myra Grace C. Penaflor, Hja. Isniraiyam D. Escandar na siyang presidente ng BASDA at si Gng. Nurdyana P. Gaddong na siyang kinatawan ni Provincial Director Muida S. Hataman.
#HapTESDAnekite! #TESDAAbotLahat #NoBangsamoroLeftBehind #tesdbasilanpo