Compliance Audit para sa PCMDC, isinagawa

Isinagawa ang Compliance Audit para sa opisina ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center, Oktubre 5, 2022.

Layunin ng nasabing audit na masigurong sumusunod sa guidelines at standards ng TESD ang Assessment Center sa pagsasagawa ng pagtatasa o assessments. Sinuri ang mga nakakabit na CCTVs, tools, equipment, assessment facilities at mga importanteng dokumento ng PCMDC.

Ang mga kwalipikasyong sinuri ay ang Masonry, Tile Setting, at Carpentry. Siniyasat din ang mga mahahalagang dokumento na hawak ng Processing Officer ng PCMDC.

Ang mga Compliance Auditors na naatasan ay sina Sir Alsultan Palanggalan, Edlyn Limpangan, at Anna Lornette Ho.

#GanapSaPCMDC #ComplianceAudit #QualityTVETforAll #NoBangsamoroLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *