Dalawampu’t limang Tile Setting NC II scholars ng World Vision, nagtapos
Ngayong araw, November 9, 2022 nagtapos ang mga benipesyaro ng World Vision. Ang mga nagtapos ay mga out-of-school youth mula sa limang barangay ng Marawi City. Sila ay sumailalim sa labing limang (15) araw na skills training, sa mismong tanggapan ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center.
Ang skills training na ito ay kasama sa Memorandum of Agreement na nilagdaan sa pagitan ng MBHTE-TESD at ng World Vision, Agosto ng taong ito.
Nagpakita naman ng suporta si MBHTE-TESD PCMDC Administrator Insanoray Amerol-Macapaar. Kanyang ipinahiwatig sa kanyang mensahe na patuloy na susuportahan ang adbokasya ng World Vision, at taos-pusong nagpapasalamat para sa mga programang tulad nito. Pagtitiyak pa ni Chief Macapaar, lalo pang pagbubutihin ng MBHTE-TESD PCMDC ang pagbibigay ng serbisyo para sa lahat ng Bangsamoro.