Distribution of Toolkits isinagawa sa MBHTE-TESD Basilan
113 na graduates mula sa tatlong (3) magkahiwalay na institusyon ang nakatanggap ng kani-kanilang toolkits sa ilalim ng 2021 Special Training for Employment Program (STEP) sa pangunguna ng MBHTE-TESD Basilan Provincial Office nito lamang Disyembre 22, 2022 sa Function Room, MBHTE-TESD Bldg., BGC, Sta. Clara, Lamitan City, Basilan.
Ang mga nakatanggap ng kani-kanilang toolkits ay mula sa Badja Institute of Islamic Teaching Inc., Hardam Furigay Colleges Foundation, Inc. at Mindanao Autonomous College Foundation, Inc. sa kwalipikasyong Cakemaking (Leading to BPP NC II) at Dressmaking NC II.
Lubos ang pasasalamat ng mga graduates sa kanilang natanggap na mga toolkits. Isa itong hakbang upang mas maisabuhay pa nila at ipagpatuloy ang kanilang napiling kurso.
Naging matagumpay ang nasabing distribusyon sa pangunguna ni Provincial Director Muida S. Hataman kasama ang Procurement Focal na si Sir Dante M. Rivero at ng kanyang assistant na si Sir Samy G. Mateo katuwang din ang iba pang mga tauhan ng ahensya.