Employment Tracing, isinagawa ng PCMDC

Nagkaroon ng employment tracing para sa mga alumni ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center, na isinagawa ng mga empleyado ng nasabing opisina, sa pangunguna nina Scholarship Focal Nashmer Bantuas at Assistant HR Focal Janorain Nasrodin.

Layunin ng aktibidad na ito na malaman ang employment status ng mga nagtapos sa PCMDC, at mabigyan ng employment assistance ang mga job hunters na gustong makapagtrabaho sa loob at labas ng bansa. Ang mga impormasyon na makakalap ay isusumite sa MOLE-LDS, PESO Marawi, at iba pang Recruitment Agency.

Ang aktibidad na ito ay isa sa mga initiatives ni MBHTE-TESD PCMDC Administrator Insanoray A. Macapaar na nagsusulong ng patas at pantay na karapatan na mapabilang sa inklusibong pagsasanay nang walang pagkikiling sa kasarian, kapansanan, edad, at iba pang uri ng diskriminasyon.

#GanapSaPCMDC #EmploymentTracing #TESDAAbotLahat #TESDAMoralGovernance #OneMBHTE #NoBangsamoroLearnerLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *