FIRST MASS TIP PARA SA (475) TRAINEES NG CCDO SA 2022 BSPTVET MATAGUMPAY NA INILUNSAD
Matagumpay na inilunsad ngayong araw ng September 7, 2022 ang KAUNA-UNAHANG TRAINING INDUCTION PROGRAM NG MBHTE-TESD COTABATO CITY DISTRICT OFFICE (CCDO) sa (475) na TRAINEES nito. Sila ay magsasanay sa ilalim ng TTPB o TULONG NG TEKBOK PARA SA BANGSAMORO. Ang TIP ay ginanap sa Academia De Tecnologia in Mindanao, Inc. Cotabatao City na siyang punangunahan ni CCDO HEAD, Kalimpo M. Alim. Kasama na dito ang apat (4) na PWD (Persons With Disabilities) na nagmula sa paaralan ng Center for the Handicapped Cotabato City kung saan sila ay napapabilang sa mga may kapansanang pipi at bingi. Sila ay magsananay ng Food Processing.
Dumating din sa programa si Bangsamoro Director General, Maam Ruby A. Andong kung saan nagbigay ito ng kanyang Inspirational Message sa mga trainees.
Dumalo din sa nasabing programa si Sir Khominie E. Abas, Maguindanao PO Scholarship Focal na siyang nagbigay ng Proper TIP Orientation sa mga magsasanay, kung saan dito nila inilatag ang mga benepisyo ng skills training, mga dapat at hindi dapat gawin at iba pang mga polisiya para sa technical skills training na ito. Kasama din dito ang mga TVI Heads, Stakeholders at Partnership&Linkages ng CCDO.
Matatandaang natengga ng mahigit dalawang taon ang operasyon at pamamalakad ng Cotabato City District Office simula noong nagkaroon ng Pandemya at BARMM Transition. Subalit hindi nawalan ng pag-asa ang mga TVI (Technical Vocational Institutes) nito at hinintay na muling makapagsimula at maisakatuparan na muling maging kasangkapan ang mga Technical Skills Training para makatulong sa Kasanayan at Hanapbuhay ng mamamayang Bangsamoro.
Ginanap din sa parehong araw ang mga bagong inihalal na CCDO TVI OFFICERS.
Nawa’y maging kasangkapan ang layunin ng MBHTE-TESD na Technical Skills Training para makatulong at mabawasan ang kahirapan ng Mamamayang Bangsamoro
#FIRSTMASSTIP #2022BSPTVET #TulongNgTekbokSaPangAngatNgBangsamoroTTPB #NoBangsamoroChildrenLeftBehind #MBHTETESD #COTABATOCITYDISTRICTOFFICE