Graduation Ceremony matagumpay na isinagawa para sa 60 na Trainees sa ilalim ng BSPTVET
Upang bigyang papuri ang mga nakapagtapos ng kanilang pagsasanay patungkol sa Pest Management at OAP NC II ay isinagawa ang kanilang Graduation Ceremony sa Pikit, North Cotabato.
Ang programa ay kabilang sa BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro kung saan sila ay nagkaron ng libreng pagsasanay, libreng assessment, VTT at TSF Allowance.
Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang nasabing programa katuwang ang ALS o Alternative Learning System at ang dalawang TVI, ang VMC Asian College Foundation at Upi Agricultural School.
Kasabay ng kanilang pagtatapos ay ang pamamahagi ng kanilang TSF Allowance. Labis na pasasalamat ang ipinahayag ng mga nakapagtapos sa pagkakataong magkaroon ng kalidad na kasanayan na kanilang magagamit sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.
#mbhtemaguindanao #GraduationCeremony #BSPTVET #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat