Graduation Ceremony matagumpay na isinagawa para sa 75 Trainees

Matapos ang halos isang linggong pagsasanay ng mga Trainees tungkol sa Produce Organic Fertilizer at Produce Organic Concoctions and Extracts ay isinagawa na ang Graduation Ceremony upang bigyang pugay ang kanilang pagsisikap.

Ang mga nagtapos ay kabilang sa BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro. Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang nasabing programa na ginanap sa Brgy. Mao, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao katuwang ang Al-Mani Farmers Cooperative.

Kasunod nito ay ipinamahagi na ang kanilang TSF Allowance kung saan nagpahayag sila ng pasasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kanila upang magkaroon ng kalidad na kasanayan na magsisilbing daan nila tungo sa kaunlaran.

#mbhtemaguindanao #GraduationCeremony#ReleasingofTSFAllowance #BSPTVET #TTPB #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *