Graduation Rites: DRM NC II, EPAS COC
94 Trainees, 44 para sa Dressmaking NC II sa programang TWSP (19 Trainees sa Baguindan at 25 sa Bangcoang) at 50 para sa Electronic Product Assembly and Services COC sa programang STEP (25 sa Baguindan, 25 sa Bangcoang) ang nagsipagtapos at ginanap sa mismong munisipyo ng Tipo Tipo.
Ang PTC-Basilan kasama ng Provincial Office Staff, Trainer in Charge at presensiya ng mga inimbitahang personalidad sa katauhan ni Aleem Faiz S. Alauddin, ang Provincial Chair ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP), mga Punong Barangay ng Baguindan at Bangcoang at iilang mga panauhing pandangal ay matagumpay na ginanap ang Pagtatapos ng mga Trainees na mga Decommissioned Combatants para sa EPAS at mga kababaihang OSY at Senior Citizen para sa DRM.
Ito ay malaking tulong para sa mga trainees sapagkat ito ay magsisilbing oportunidad na magkaroon ng maayos na hanapbuhay dahilan upang mapagaan ang paraan ng pamumuhay at umunlad sa mga kakayahang nahasa.