GREENTVET Program ng MBHTE-TESD BARMM

Bilang suporta sa GREENTVET Program ng MBHTE-TESD BARMM, ang Regional Manpower Development Center katuwang ang MSU Graduate School Maguindanao, Ministry of Environment, Natural Resources and Energy, at ang Local Government Unit ng Matanog Maguindanao del Norte ay isinagawa ang Tree Planting Activity sa bandang Matanog, Maguindnao del Norte.

Ang tema ng aktibidad na ito ay “Taking care of our Environment is a form of Worship”, ito ay sa pangunguna ng RMDC Administrator na si Dir. Jonaib M. Usman, Ed.D. at Bangsamoro Director General ng TESD BARMM na si Madam Ruby A. Andong.

Sama-sama ang mga Empleyado, Trainers, at Trainees ng iba’t ibang kwalipikasyon ng MBHTE-TESD BARMM sa pagtanim ng mga punong Mahogany sa nasabing aktibidad.

Ang mga puno ng mahogany ay naglalabas ng sulfur compound na maaaring mabawasan ang pag-init ng atmospera na pinangungunahan ng mga greenhouse gas. Nakakatulong ito sa pagtaas ng lebel ng tubig sa lupa, pagpigil sa pagguho ng lupa, at epekto sa mga aspaltong kalsada. Sa pangkalahatan, ang mahogany ay nag-aambag sa isang malaking antas sa buong ecosystem.

#RMDC#LGUMatanog#treeplanting#GreenTVET

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *