Ikalawang araw ng General Calibration on QMS Processes ay nanatiling isinagawa sa Beachside Inn, Hotel and Restaurant, Sowangkagang, Bongao, Tawi-Tawi
Ang ikalawang araw na ito ay nagkaroon ng talakayan patungkol sa QMS Processes, ISO 9001:2015 Standards Awareness, at Risk Management Procesess Awareness na ibinahagi ng Supervising TESD Specialist, Ma’am Faida H. Latip.
Sa hapon nagkaroon naman ng sabay-sabay na kalibrasyon sa documented information ni Ma’am Joanne M. Trinidad, Human Resource ni Ma’am Queen Marie E. Martinez, at Compliance Audit ni Sir Jay B. Camina, Ma’am Omaira S. Palanggalan at Ma’am Hadiguia K. Nanding.
Lahat ng participants ay nagpakita naman ng kanilang interesado at kagustuhang makinig upang marami ang kanilang makuha na kaalaman galing sa mga lecturers.