Ikatlong araw ng General Calibration on QMS Processes sa Beachside Inn, Hotel and Restaurant, Sowangkagang, Bongao, Tawi-Tawi

Ang nasabing General Calibration ay ipinagpatuloy sa pagkakaroon ng Study Circle at Halaqatul Qur-an na kung saan ibinahagi ng Provincial Director Tawi-Tawi, Dr. Maryam S. Nuruddin ang kahalagahan ng pananampalataya at pagsasamba sa Allah (S.W.T). Nagbigay naman ng mensahe ang Regional Director, Ma’am Ruby A. Andong at naatasan ang mga MBHTE-TESD PO STAFF ng BARMM na magbigay ng repleksyon.

Bilang pagtatapos ng nasabing programa nagkaroon ng Mental Health Break na ginanap sa Bihing Tahik Resort at doon din mismo ginanap ang Closing Program.Lahat ng MBHTE-TESD BARMM participants ay nakataggap ng mga sertipiko bilang pagtatapos sila’y dumalo sa nasabing programa.

Natapos ang programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mensahe ng Regional Director, Ma’am Ruby A. Andong. Nakauwi naman ng maayos ang iba’t-ibang MBHTE-TESD Barmm sa kani-kanilang lugar nitong April 27, 2023.

#ganapsatawi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *