INSTITUTIONAL ASSESSMENT PARA SA HOUSEKEEPING NC II
Dalawamput anim (26) na trainees ng Housekeeping NC II ng Regional Manpower Development Center (RMDC) ang sumailalim sa institutional assessment nitong Pebrero 13, 14 at 15, 2024. Ang mga nasabing trainees ay iskolar ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET (BSPTVET).
Ang institutional assessment ay nagsisilbing final exam para sa core competencies ng mga trainees bago sila sumalang sa National Competency Assessment.