Ipinamahaging Tool Kits sa ilalim ng STEP masayang natanggap ng mga benepisyaryo
18 na mga Decommissioned Combatants na kabilang sa EO-79 Normalization Program ang nakatanggap ng mga Tool Kits pagkatapos ng kanilang pagsasanay sa Dressmaking NC II sa Ittihadun Nisa’ Foundation.
Ang mga kagamitan ay ipinamahagi sa Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao kung saan nagpahayag ng pasasalamat ang mga nagsipagtapos sa kanilang natanggap sapagkat ito ay kanilang gagamitin upang makapagsimula ng kanilang kabuhayan.
Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang nasabing programa. Ang mga nakatanggap ay kabilang sa programa ng STEP o Special Training for Employment Program para sa mga Decommissioned Combatants na sa ilalim ng EO-79.
#mbhtemaguindanao #ReleasingofToolKits #EO79 #NormalizationProgram #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat