Isinagawa ang Ika-Pitong Study Circle para sa mga empleyado ng CCMDC.

Ngayong hapon ng Huwebes Dalawampu’t Pito ng Hulyo ngayong taon.

Ang mga empleyado ay nagbigay ng kani-kanilang reflection tungkol sa paksang “Al Imaan / Ang Pananampalataya”

Ayon sa General term ang sinasabing may pananampalataya o Imaan ay may pinong-pinong pananampalataya o strongest beliefs.

At hinding hindi masasabing pananampalataya kung hindi makompleto ang tatlong qualifications eto ay ang mga

1. Tasdiqu bil Qalb o Ang pagtanggap o paniniwala ng ating mga puso.

2. Wa qawlu billisān o Ang pagsabi ng ating mga dila.

3. Wa amalun bilziyawareh o Ang pagsagawa ng ating katawan.

At ang pagdarasal ay kabilang din sa pananampalatata dahil ang sino man ang hindi mag dasal ay wala sakanya ang pananampalataya at wala sakanya ang Islam, dahil ang pagdarasal ay itinawag ni ALLAH S.W.T sa kanyang Qur’an.

At si ALLAH kailan man ay hindi hahayaan mabaliwala ang inyong mga (Imaan) ibig sabihin ang pagdarasal.

Ang Study circle ay pinangungunahan ni Ustadz Jehad Bantas.

Ang Study Circle ay isinasagawa alinsunod sa moral governance at upang mapagtibay ang pananampalatayang Islam ng bawat empleyado.

#GanapsaCCMDC

#OneMBHTE

#MoralGovernance

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *