Isinagawa ng MBHTE-TESD Sulu P.O ang unang Provincial Technical Vocational Education and Training (TVET) forum
Isinagawa ng MBHTE-TESD Sulu Provincial Office ang unang Provincial Technical Vocational Education and Training (TVET) forum ngayong taon na ginanap sa Ballroom Hall, ND commercial Complex, Sanchez St. Walled City. noong ika 16 ng Marso 2023.
Sa nasabing programa binigyang-diin ang mahahalagang tungkulin ng mga TVI bilang katuwang ng TESD sa paghahatid ng mataas na kalidad ng tech-voc training.
Layuning ng PTVET forum na maging daan upang mapag-usapan ang naangkop na pangangailan ng TVET sa probinsya. Itinuturing ng TESD bilang mahalagang katuwang nito ang lahat ng mga institusyon at iba pang ahensya sa lalawigan na sumuporta sa larangan ng skills training at programa ng TVET at mga isyu at alalahanin na nauugnay sa TESD.
Kabilang sa mga dumalo sa programa ang pribadong institution at public institution at ilang mga ahensya ng lalawigan .
Pinangunahan ng Provincial Director na si Lino A. Alpha ang nasabing programa.