Isinagawa ng MBHTE-TESD Tawi-Tawi ang Releasing of Toolkits sa loob ng dalawang araw

isinagawa ng MBHTE-TESD Tawi-Tawi ang Releasing of Toolkits sa loob ng dalawang araw nitong Oktubre 4&5, 2022 sa DepEd Gymnasium, Bongao, Tawi-Tawi. Mahigit 244 trainees sa ilalim ng Special Training for Employment Program ng MBHTE TESD Tawi-Tawi ang nakatanggap ng kani-kanilang Toolkits.

Ang mga nakatanggap sa kwalipikasyon ng Tile setting NC II, Masonry NC I, Bread Making NC II, Bread and pastry NC II, Carpentry NC II, Masonry NC II, Dressmaking NC II, Small engine NC II, Support Nursery, Support Horticultural.

Naging matagumpay ang pamamahagi ng Toolkits sa mga TVET graduates sa pamumuno ni Provincial Director Maryam Nuruddin at sa kanyang procurement focal Dunyana Karimuddin at sa tulong din ng kanyang mga staff.

Nagpapaalala ang butihing provincial director sa mga tumanggap ng kani-kanilang toolkits na gamitin ito upang maging puhunan nila para mas lalo mahasa sila sa kanilang pagsasanay at ito’y magsisilbi upang gaganda ang kanilang kinabukasan.

Sila’y nagpapasalamat sa TESDA National at MBHTE-BARMM na nabigyan sila ng ganitong program at sa tulong ng Provincial Director.

#TESDAAbotLahat #toolkit #mbhteTawi-Tawi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *