Islamic Study Circle para sa mga empleyado ng Cotabato City Manpower Development Center

Matagumpay na Isinagawa ang Islamic Study Circle para sa mga empleyado ng Cotabato City Manpower Development Center ngayong hapon ng Miyerkules Ika-labinlima ng Pebrero ngayong taon.

Ang mga empleyado ay nagbigay ng kani-kanilang mga reflection tungkol sa paksang “Ang Pagsasaksi ng ating mga Bahagi ng katawan sa Araw ng Paghuhukom” na pinangungunahan ni Ustadz Jehad U. Bantas.

Ang study circle ay isinagawa alinsunod sa moral governance at upang mapagtibay ang pananampalatayang Islam ng bawat empleyado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *