JOB FAIR sa Probinsya ng Tawi-Tawi, isinagawa sa MSU Preparatory High School Gymnasium

Noong Setyembre 12-13 taong 2023, nagkaroon ng dalawang araw na Job Fair sa probinsya ng Tawi-Tawi sa pamumuno ng Tawi-Tawi PLGU. Ang nasabing programa ay upang makapagbukas ng mga oportunidad sa mga mamamayan at magsilbing daan sa mga aplikante na gustong maghanap ng trabaho.

Ang opisina ng MBHTE TESD Tawi-Tawi Provincial Office ay nakilahok sa nasabing programa sa pamamagitan ng pag-adbokasiya ng ibaโ€™t ibang kursong tekbok. May kabuuang 196 na mga aplikante ang nakapag rehistro na siya namang ine-endorso ng nasabing opisina sa mga pampubliko at pribadong TVIs o technical vocation institutions na may rehistradong kurso sa tekbok.

Ang nasabing job fair ay pinangungunahan ng PLGU sa pamumuno ng Gobernador ng Tawi-Tawi Yshmael “Mang” I. Sali, First Lady Hja. Jumda A. Sali, Provincial Tawi-Tawi Board Members at mga partner agencies. Nagpasalamat rin si Gov. Yshmael “Mangโ€ I. Sali sa lahat ng mga ahensyang aktibong nakilahok sa nasabing aktibidad.

#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *