KABABAIHAN, MILF COMBATANTS AT IBA PANG SEKTOR, NAKATANGGAP NG FREE SCHOLARSHIP SA ILALIM NG KAPAKANAN PROGRAM NG MBHTE-TESD

Nagsagawa ng Training Induction Program ang MBHTE-TESD para sa mga benepisyaryo ng KAPAKANAN BSPTVET program noong Martes, Setyembre 21 sa Barangay Bugawas, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Pinangunahan nina Maguindanao Provincial Director Salehk Mangelen at Scholarship Focal Khominie Abas ang naturang programa.

Ang mga benepisyaryo ay hinati sa apat na klasipikasyon na kinabibilangan ng dalawampu’t lima (25) para sa plant corps, dalawampu’t lima (25) para sa organic fertilizer, dalawampu’t lima (25) din para sa produce concoction at extracts, at dalawampu’t lima (25) para naman sa coconut coir.

Kabuaan, isang daan (100) na mga benepisyaryo na kinabibilangan ng sektor ng kababaihan, MILF combatants, magsasaka, Out-of-school youth (OSY) at mga OFW returnees ang nakatanggap ng naturang programa at hinati ang mga ito ayon sa kanilang kwalipikasyon.(Bangsamoro Media Productions)

Mag-subscribe sa youtube bit.ly/2TGrmgV o Bisitahin ang aming Website Page sa link na ito:https://bmp.com.ph/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *