Labing siyam na trainees (19) ng MBHTE-TESD RMDC BARMM ang nagtapos
Labing siyam na trainees (19) ng MBHTE-TESD Regional Manpower Development Center BARMM ang nagtapos ng kanilang 40 oras (5 araw) na training program sa Computer Based Literacy Program, sa RMD Complex, Brgy. Rebuken, Sultan Kudarat, Maguindanao noong Enero 27, 2023.
Ang mga nagsasanay ay mga empleyado ng National Irrigation Administration na matatagpuan sa Rosales St, Cotabato City, Maguindanao.
Isang simpleng seremonya ng pagsasara ang isinagawa sa Training Center upang kilalanin ang pagsisikap ng mga nagsipagtapos.
Sinabi ni Dir. Jonaib M. Usman, Ed.D., kasalukuyang Center Administrator at Director II ng MBHTE-TESD Regional Manpower Development Center, ang kanyang mensahe sa mga nagsipagtapos. Sina Kulaipa M. Sangacala, Admin Services Chief C, at Ma. Asuncion B. Dulay Sr. IDO ng National Irrigation Administration-Provicial Office, Maguindanao ay nagbigay din ng kanilang mensahe.
Ang mga staff ng NIA ay nagpapasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kanila, at sa kanilang tagapagsanay na si Ms. Sheila T. Mejos, sa kanyang pasensya at pagbibigay ng kanyang kakayahan at kaalaman sa kanila.
#RMDC #niamaguindanao #NationalIrrigationAdministration #TESDAAbotLahat