Libreng Skills Training Para sa Persons Deprived of Liberty
Nagkaroon ng pagkakataong bumisita ang Cotabato City District Office (CCDO) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Cotabato City Jail noong October 24, 2022. Ito ay kasabay sa pagdiriwang ng taunang NACOCOW o National Correctional Conciousness Week na may temang “Mataas ng Kalidad ng Serbisyong Pampiitan, Pagbabago ng PDL Tiyak Makakamtan”
Mabibigyan ng pagkakataon ang mga PDL o Persons Deprive of Liberty na maipamalas ang kanilang mga angking galing at talento sa pag awit at pagsasayaw sa weeklong celebration na ito. Tinalakay din sa parehong araw ni Kalimpo Alim CCDO District Head ang paghahandog nito ng Technical Skills Training para sa kanila.
Samantala, kahapon lamang araw ng October 26 ay matagumpay na nailunsad sa mga napiling PDL ang Training Induction Program. Mabibigyan ng 25 slots ng Bread and Pastry Production (BPP) NC-II, habang 25 slots naman para sa kalalakihan para sa Electrical Installation and Maintenance (EIM) NC-II. Gaganapin ang training sa loob din ng City Jail. Isa itong Community-based Training kung saan magsasanay ang PDL sa ilalim ng paaralan ng Academia De Tecnologia in Mindanao, Inc.
#NoBangsamoroChildrenLeftBehind #FreeTVETForAll #GanapSaCCDO