Limampung (50) kababaihang sumasailalim sa Cake Making Skills Training, binisita ni PCMDC Chief Macapaar

Upang masiguro na kalidad na skills training ang naibibigay sa mga mamamayan ng Lanao Del Sur, bumisita si MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center Administrator Insanoray Macapaar sa mga kababaihang kasalukuyang sumasailalim sa cake making skills training, kahapon Marso 6, 2023, sa Brgy. Bubong Madanding, Marantao, Lanao del Sur.

Ang 50 kababaihang ito ay mga residente ng Munisipalidad ng Marantao. Ang pagsasanay na ito ay COC lamang o Certificate of Completion, ito rin ay isa sa mga programa at aktibidad ni Chief Macapaar para sa mga kababaihan ngayong Buwan ng mga Kababaihan.

#GanapSaPCMDC #WomensMonth #TESDAAbotLahat #OneMBHTE #NoBangsamoroLearnersLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *